Mahigit 92K, naitalang bumisita sa mga sementeryo sa Cebu Province – Cebu Police Provincial Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 92,000 ang naitalang mga bumisita sa mga iba’t ibang sementeryo dito sa lalawigan ng Cebu.

Ito ay ang pinakahuling ulat mula sa Cebu Police Provincial Office (CPPO).

Ayon kay Major Nolan Tagsip, ang tagapagsalita ng CPPO, na ang dami na ito ay as of 3 PM ngayong hapon.

Inaasahan na tataas pa ang dami nito ngayong hapon lalo na’t sa ibang lokal na pamahalaan ay ngayon hapon pa ang pagdagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo.

Wala din nakumpiska na mga ipinagbabawal na mga gamit gaya ng bladed weapons at alak.

Sa pangkalahatan, inilarawan ni Tagsip na generally peaceful ang pag-obserba ngayong hapon ng Undas 2023.

Nasa mahigit 1,000 police personnel ang idineploy bukod pa sa augmentation mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga miyembro ng iba’t ibang disaster offices sa lalawigan.| ulat ni Carmel Matus| RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us