Sec. Abalos, nagpaalala sa mga bagong mauupong opisyal ng barangay na pirmahan ang turnover records

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga bagong uupong opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na huwag kaliligtaang lumagda sa turnover documents.

Sa pagdalo nito sa Kapihan sa Manila Bay, binigyang diin ng kalihim na hindi dapat pumayag ang mga opisyal na hindi makita at malagdaan ang turnover document.

Aniya, para din ito sa kanilang proteksyon dahil sa kanila hahanapin ang properties at pera kung sakali.

Mayroon aniyang binuong inventory team ang DILG, kung saan tutulong ang munisipyo sa mga barangay para maisaayos ang kanilang inventory ng kagamitan at pondo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us