Magpapatupad ng taas presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ang ilang mga kumpanya ngayong mga unang araw ng Nobyembre.
Ang Clean Fuel, nag-anunsyong magpapatupad ng P0.25 per liter na taas presyo sa kanikang auto LPG na magiging epektibo bukas, Huwebes, November 2, 2023.
Una na ring nag anunsyo ang Solane at Petron na magpapatupad sila ng taas presyong P0.45 per kilogram sa kani-kanilang LPG na epektibo na kaninang 12:01 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 1, 2023. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion