Extended hanggang 6pm ang pagpapapasok sa loob ng Manila South Cemetery.
Sa ginawang anunsyo kanina, nagbigay ng konsiderasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila dahil sa naging maulan na lagay mg panahon ngayong araw.
Bagama’t hanggang alas-6:00 ng gabi magpapapasok, hanggang alas-7:00 naman ng gabi papayagang manatili sa loob ng sementeryo ang mga dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.
Pasapit ng alas-7:00 ay mag-iikot na ang mga pulis at papalabasin na ang mga tao sa loob ng sementeryo.
Hanggang kaninang alas-5:00 ng hapon, umabot na sa 435,000 ang bilang ng mga bumisita ngayong araw sa Manila South Cemetery.
Samantala, marami pa ring mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na mga bagay mula sa mga bumisita sa nasabing sementeryo.
Sa datos, hanggang kaninang alas-5:00 ng hapon, umabot sa 89 packs ng sigarilyo, 338 na lighter at 2 matutulis na bagay ang nakumpiska ng mga awtoridad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion