Pamamahagi ng honoraria ng mga guro na nagsilbi nitong halalan, binibilisan na ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisikapin ng Commission on Elections (COMELEC) na matapos sa linggong ito ang pamamahagi ng honoraria ng mga guro na nagsilbi bilang election board sa katatapos lamang na baranggay at sangguniang kabataan elections (BSKE).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laundiangco na October 30 pa lamang, nasimulan na nila ang pamamahagi ng honoraria partikular sa mga guro na maagang nakapagbalik ng election returns at ballot boxes.

Ang iba aniya, agad namang tumungo sa tanggapan ng COMELEC.

Ayon sa opisyal, sa ilalim ng batas, binibigyan ng 15 araw ang COMELEC upang maipamahagi ang honoraria ng mga guro.

Gayunpaman, bilang paggalang aniya sa mga guro, sisikapin nilang matapos ang pamamahag ng honorariang ito, hanggang sa Biyernes. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us