Pabor si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na sampahan ng kaso ang mga gurong umatras sa pagsisilbi bilang poll watchers sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Ito ang pahayag ng kalihim sa plano ng COMELEC na habulin ang mga guro na umano’y naging sanhi nang pagkaantala ng election sa ilang lugar sa bansa.
Pero nilinaw ni Abalos na sinusuportahan lamang ang pagsasampa ng kaso laban sa mga guro kung hindi katanggap-tanggap ang kanilang mga dahilan sa pag-back out.
Sa ulat ng COMELEC, mahigit 2,500 guro ang umatras bilang poll watchers na idinahilan ay ang mga naranasang karahasan.| ulat ni Rey Ferrer