Puspusan ang isinagawang paglilinis ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila ngayon Undas.
Ito ay sa pangunguna ng mga miyembro ng MMDA Metro Parkway Clearing Group.
Bahagi ito ng Oplan Undas 2023 ng ahensya na layong matiyak na maayos at malinis ang kapaligiran sa mga sementeryo para sa mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Sakong-sakong basura ang nahakot ng mga tauhan ng MMDA sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila.
Kaugnay nito ay nagpaalala ang MMDA sa publiko na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng kanilang basura.
Tinatayang nasa mahigit 1,000 personnel ng MMDA ang idineploy ng ahensya sa paggunita ng All Saints’ Day and All Souls’ Day. | ulat ni Diane Lear