4 na magkamag-anak patay; 6 sugatan sa aksidente sa Calamba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apat na magkamag-anak ang namatay habang anim na iba pa ang sugatan nang magsalpukan ang pick-up truck at dalawang tricycle sa Calamba, Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police na nakarating sa Camp Crame, 3:30 ng umaga kahapon naganap ang insidente sa kahabaan ng National Highway, Purok 2, Brgy. Bucal, Calamba City, Laguna.

Sinabi ni Calamba City Police Station chief PLt.Col. Milany Martirez na batay sa inisyal na imbestigasyon ay binabagtas ng dalawang tricycle ang kahabaan ng Brgy. Halang patulong Brgy. Pansol sa Calamba City nang sumalubong sa kanila ang isang pick up truck.

Sa ulat, napag-alamang ang pick-up truck ang kumain sa linyang tinatahak ng mga tricycle na nagresulta naman sa banggaan.

Agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktimang sugatan sa naturang trahedya ngunit kalaunan ay idineklara nang patay ang apat na mga indibidwal na pawang magkakamag-anak. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us