Mga bibisita sa Himlayang Pilipino, hindi na papayagang mag-overnight mamaya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na maaaring mag-overnight mamaya ang mga bibisita sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, QC

Ayon kay Engr. Michael Abiog, Park Operations Manager, dalawang araw lang ang inilaan nila para makapagpalipas ng gabi ang mga bisita at ngayong All Soul’s Day ay hanggang alas-6 ng gabi na lang papayagan ang pananatili sa sementeryo.

Kahapon, umabot sa higit 30,000 ang naitalang nagtungo sa Himlayang Pilipino kung saan 1,500 ang nagpalipas ng gabi.

Ayon kay Engr. Abiog, posibleng mamayang hapon ay dumami pa ang magtungo sa sementeryo lalo na kung hindi maging maulan.

Posible naman aniyang umabot sa 55,000-60,000 ang kabuuang bilang ng magtungo sa Himlayang Pilipino hanggang sa weekend.

Sa ngayon, nananatili ring mapayapa ang paggunita ng All Souls Day sa Himlayang Pilipino at maluwag ang daloy ng trapiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us