Pinarangalan ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander Major General Alex Rillera ang sundalong sugatan sa pagtatanggol ng mga botante sa Crossing Simway Elementary School, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Personal na sinabitan ni Major General Rillera ng Wounded Personnel Medal si Staff Sergeant Alejandro Puon ng 6th Mechanized Infantry Battalion, na nagpapagaling sa Camp Siongco Station Hospital, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nagtamo ng sugat si Puon nang paulanan ng bala ng hindi pa kilalang Gunman ang naturang polling Center, noong Oktubre 30.
Binati naman ni Maj. General Rillera ang mga tropa ng JTF Central, sa kanilang mahusay na pakikipagtulungan sa PNP at iba pang pwersang panseguridad ng gobyerbo sa pagtiyak ng matagumpay na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023. | ulat ni Leo Sarne