Ninayig ng magnitude 6.1 na lindol ang bayan ng Hernani sa Eastern Samar.
Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol bandang alas-2:50 ng hapon.
Natunton ang sentro nito 51 kilometro Timog Silangan ng Hernani Eastern Samar, at may lalim itong 48 kilometro, at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang Instrumental Instensity:
Intensity II – Quinapondan, Can-Avid, Eastern Samar; Villaba, Abuyog, Calubian, Carigara, at Leyte;
Intensity I – Mahaplag, Javier, Hilongos, Leyte; Rosario, Northern Samar; at Hinunangan, Southern Leyte;
Asahan ang mga pinsala pero, wala namang banta ng tsunami sa nangyaring pagyanig. | ulat ni Diane Lear