Mga galing probinsya na pauwi na ng Metro Manila, nagsimula nang dumami

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang magsibalikan sa mga bakasyon sa mga probinsya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023.

Partikular ito sa mga terminal ng Five Star Bus terminal sa EDSA Cubao na bumiyahe papuntang Norte.

Ayon kay Jojo Español, konduktor na biyaheng San Carlos, Pangasinan-Metro Manila, kada 15 minuto na ang pag-alis ng mga nakapilang bus nila sa San Carlos pauwi sa Maynila.

Dahil nga nagsimula na kaninang umaga magsiuwian ang mga galing probinsya.

Asahan naman na mas darami na bukas ang mga papauwing mga pasahero sa Metro Manila.

Nauna rito ay nag-inspeksyon kahapon ng umaga ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan sa terminal ng Victory Liner sa kahabaan ng EDSA, Cubao, Quezon City.

Kuntento naman ang QCPD chief sa sistema ng bus line partikukar sa ipinatupad na safety measures at gawing komportable para sa mga naghihintay ng masasakyang bus. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us