Dayuhan na may dalang iba’t ibang iligal na droga, naharang sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Bolivian drug trafficker na inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay BI Anti-Terrorist Group (ATG) Airport Head Bienvenido Castillo III, ang suspek ay kinilalang si Roberth Lavadenz Alvarez, 30 taong gulang na tinangkang magpuslit ng iligal na droga nang ito ay maharang ng mga awtoridad sa airport.

Ang pagkakaaresto ng suspek ay resulta ng travel pattern na mino-monitor ng mga awtoridad dahil sa kahina-hinalang biyahe nito.

Narekober sa kanya ang apat na pakete na kahawig ng toffee candies na may lamang 405 piraso at apat na bag na naglalaman ng mistulang ‘fish food’ na may bigat na 5,515 grams.

Sa inisyal na pagsusuri, nakitaan ito ng illegal substances.

Sa isinagawang interogasyon, inamin naman ni Alvarez na inalok siya ng isang indibidwal na may lahing African ng $5,000 o katumbas ng P250,000 para ibiyahe ang naturang mga kontrabando.

Dumating sa bansa si Alvarez mula Brazil sakay ng Ethiopian Airlines flight na may layover sa Addis Ababa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us