LTFRB Chair Guadiz, nagpasalamat kay Pres. Marcos sa pagpapahintulot nitong maibalik siya sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III makaraang maibalik ito sa kanyang pwesto bilang pinuno ng LTFRB.

Sa isang pahayag, sinabi ni Chair Guadiz na ikinararangal nito ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo na maipagpatuloy niya ang kanyang pagseserbisyo sa bayan.

Matatandaang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na binawi na ng Office of the President ang suspension order na ipinataw kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III matapos bawiin ng sole witness na si Jefferson Gallos Tumbado ang kaniyang pahayag at alegasyon laban sa opisyal.

Kasunod nito, nangako naman si Chairman Guadiz na muling maglilingkod ng buong tapat at epektibo sa ahensya at sa taumbayan tungo sa paghahatid ng maaasahang pampublikong transportasyon sa bansa.

Patuloy din aniya nitong pagsisikapang matugunan ang mga isyung kinahaharap ng sektor ng transortasyon.

“Under the leadership of President Marcos, we look forward to contributing to the administration’s vision of progress and prosperity for the Philippines. I am committed to working closely with our dedicated team at the LTFRB and other stakeholders to achieve our common goals,” ani Guadiz. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us