‘Fit for the job’: reaction ng pamunuan ng DA-RO2 sa pagkakatalaga kay Sec Tiu Laurel bilang kalihim ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghayag ngayon ng inisyal na reaction ang pamunuan ng DA-Regional Field Office 02 sa pagkakatalaga bilang kalihim ng DA ni Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.

Sinabi ni Director Rose Mary Aquino ng DA-Regional Field Office 02 na bagay sa posisyon si Secretary Tiu Laurel dahil sa malawak at marami nitong karanasan bilang sanay sa corporate world, na dating sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na magandang maidala sa gobyerno para sa mas kapaki-pakinabang na resulta.

Sinabi ni Director Aquino na ngayong hapon nila siya makakaharap matapos itong magpatawag ng meeting sa matataas na opisyales ng kagawaran kasama ang mga pinuno ng mga Regional offices ng buong DA.

Una rito, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kumpyansa siya sa magiging liderato ni Sec Tiu Laurel, at kaya nitong harapin ang mag isyu sa sektor ng agrikultura.  | ulat ni Vivian De Guzman | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us