Motorbanca na umano’y may karga na smuggled na sigarilyo, naharang sa karagatan ng Sarangani, Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naharang ng mga personahe ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) ang isang motorbanca na umanoy may dalang smuggled na sa sigarilyo sa Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental nitong Nobyembre 5, 2023.

Sa report na inilabas ng NFEM nagyong Lunes, hinarang umano ng BRP Artemio Ricarte ang  M/V Princess Sarah, matapos umano itong di sumagot nang niradyohan habang lumalawig sa Philippine-Indonesian borders.

Nang tingnan nito ang loob ng bangka, tumambad ang 600 master cases ng mga ipupuslit sana na smuggled na sigarilyo.

Agad na dinala ang bangka kasama ang siyam na crew at isa dito ay menor-de-edad, sa kampo ng NFEM sa Panacan, Davao City para sa kaukulang aksyon. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us