Operasyon ng PNR Legaspi, posibleng simulant sa araw ng Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng bumalik sa operasyon ang Philippine National Railways (PNR) Legazpi ngayong darating na Pasko dahil sa patuloy na pagkukumpuni ng kanilang mga kawani sa kahabaan ng riles sa linyang Ligao-Legazpi sa probinsya ng Albay.

Ayon kay PNR General Manager Jeremy S. Regino, tinatayang 80% ng riles sa linyang Ligao-Legazpi ay maaari ng daanan ng tren. Ang natitirang 20% naman ang kinakailangan pang ayusin.

Ilan sa pangungumpuning isinasagawa ng PNR ay ang pagsasaayos ng mga daan, paghahawan ng mga damo, pag-alis ng mga obstruction tulad ng lupa, buhangin at iba pang konkretong bagay.

Pipinturahan muli ang ilang istasyon tungong Legazpi habang nasa maayos na kondisyon naman  ang Washington Drive flag stop.

Samantala, sa isang panayam, nabanggit ni Regino na maaring magbukas muli ang byahe ng PNR sa Naga-Legazpi sa araw mismo ng Pasko. Ito ay kung matatapos ang rehabilitation ng mga riles sa rutang Naga-Legazpi.

Matatandaan na noong taong 2017 nang suspindihin ng PNR ang operasyon sa rutang Naga-Legazpi dahil sa kakulangan nito ng rolling stock.  | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us