Pagbubukas ng Exercise 2023 DAGITPA, pinangunahan ni Gen. Brawner

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. ang pagbubukas ngayong umaga ng 2023 AFP Joint Exercise (AJEX) DAGITPA sa Camp Aguinaldo.

Ang AJEX DAGITPA, ay lalahukan ng 1,500 aktibong sundalo at Reserve Force ng Army, Air Force, Navy, Marines, Special Operations Command at Cyber Group.

Sila ay magsasanay sa staff, command post, cyber defense, at field training events sa Northern Luzon Command area of responsibility hanggang sa Nobyembre 17.

Sa kanyang mensahe, binilinan ni Gen. Brawner ang mga tropa na seryosohin ang pagsasanay para maging handa sa matinding kalaban sa hinaharap, at upang mapahusay ang kanilang kakayahang tumugon sa mga banta sa pambansang seguridad.

Sinabi ni Brawner na sa pamamagitan ng mahusay na kolaborasyon ng iba’t ibang sangay ng militar, maipapakita sa mundo na ang AFP ay isang “Force To be reckoned with”. | ulat ni Leo Sarne

📷: TSg Obinque/PAOAFP and PFC Carmelotes/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us