62% ng mga Pilipino, naniniwala na nasa tamang direksyon ang Marcos Jr. administration — OCTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Anim sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing nasa tamang direksyon ang pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang lumabas sa survey na ginawa ng OCTA Research base sa kanilang pinakahuling Tugon ng Masa na ginawa mula September 30 hanggang October 4, 2023.

Base sa survey, 62% ng mga Pinoy ang naniniwala na nasa tamang landas ang pamahalaan at nagagawa nito ang mga programang pinakikinabangan ng mga tao.

Nasa 20% naman ng mga sumali sa survey ang hindi bilib sa palakad ng pamahalaan.

Sa lahat ng mga rehiyon na tinanong, ang mga taga-Mindanao ang pinakananiniwalang nasa tamang direksyon ang gobyerno kung saan 70% ang positibong tumugon.

Sinundan ito ng mga taga-Metro Manila na nasa 69%, Visayas na may 58% at Balance Luzon na nasa 57%.

Sa 20% na hindi bilib sa pamahalaan, pinakamarami ang naitala sa Visayas na nasa 23%. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us