Wastong nutrisyon sa kalusugan ng mga bata, pangunahing layunin ng Children’s Month celebration ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong araw isinagawa ang “Pista ng mga Bata” the 31st National Children’s Month kick-off celebration sa Lungsod ng Valenzuela.

Pinangunahan ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang pagdiriwang ng Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre, alinsunod sa Republic Act 10661 o ang National Children’s Month Act of 2015.

Ang tema ngayong taon ay “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All.”

Kasaman din sa pagdiriwang na ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ang National Youth Commission (NYC).

Nakatuon ang pagdiriwang ngayong taon sa pangangalaga ng kalusugan at nutrisyon ng mga bata, alalahanin ang mga hamon na nakakaapekto sa mga bata na dala ng epekto ng pandemya at inflation rate.

Nagbigay naman ng mensahe sina CWC Undersecretary Angelo Tapales, Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, at UNICEF Nutrition Manager Alice Nkoroi. | ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us