Ika-limang batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-2:59 ng hapon dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Etihad Airways Flight EY 424.

Sakay nito ang 22 overseas Filipino workers (OFWs) at isang sanggol na naipit sa gulo sa Israel. Sa bilang na ito, 19 ang caregivers at tatlo ang hotel workers.

Kasama rin dito ang abo ni Grace Prodigo Cabrera, 42 taong gulang, isang caregiver na kabilang sa apat na Pilipinong nasawi sa gulo sa Israel noong October 7 matapos na umatake ang militanteng grupong Hamas.

Dala ito ng kaniyang kapatid na si Mary June Prodigo, na kabilang din sa repatriated na mga OFW ngayong hapon.

Dumating na rin ang pamilya ni Grace kasama ang kaniyang nanay, tatay, asawa at 14 na taong gulang na adopted child.

Ayon sa kaniyang asawa na si Domingo Cabrera, dadalhin sa Apalit, Pampanga ang abo ni Grace para iburol ng tatlong araw pero hindi pa nagbigay ng detalye kung saan ilalagak ang abo nito.

Si Grace ay mahigit limang taon na nagtrabaho sa Israel at taga-Maasin, Iloilo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us