Inilunsad ngayong hapon ng Department of Agriculture ang tatlong pangunahing proyekto sa ilalim ng bagong talagang kalihim na si Francisco Tiu Laurel.
Ito ay ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up, ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP), at ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project.
Ayon sa DA, ang tatlong proyekto ay tutuon sa pag-organisa at clustering ng farmer and fisherfolk associations at indigenous peoples organizations na nakikibahagi sa agri-fishery activities at iba pa.
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., palalawakin at paigtingin ng DA ang mga pagsusumikap upang matupad ang bisyon ng isang mapagkumpitensya at mahusay na sektor ng agrikultura.
Ayon sa DA ang inilunsad na tatlong proyekto ay pinondohan ng World Bank. | ulat ni Rey Ferrer