Dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves,target ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na kasama si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa mga subject ng search warrant, sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ngayong araw sa HDC Bayawan Agriventures sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Paliwanag ni Fajardo ito ay dahil nakalista bilang Presidente ng naturang kumpanya si Teves.

Kasama din aniya sa mga subject ng search warrant ang ilan pang mga opisyal ng kumpanya, base sa impormasyong ibinigay ng mga impormante na may mga nakatagong matataas na kalibre ng armas sa naturang kumpanya.

Sinabi ni Fajardo, na may ilang mga indibidwal na ang inaresto matapos na marekober sa lugar ang ilang mga armas at libo-libong bala.

Nilinaw naman ni Fajardo, na wala pang impormasyon sa ngayon kung ito ay may kinalaman sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Matatandaang una nang sinabi ni Fajardo, na pinalawak ng PNP ang kanilang imbestigasyon sa Degamo murder para isama na rin ang mga nagkanlong at nagbigay ng logistics support sa mga direktang sangkot sa krimen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us