DSWD Sec. Gatchalian, makikipagpulong sa LGUs para palakasin ang Kalahi-CIDSS program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakda nang isagawa sa Miyerkules ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang National Consultative Meeting sa SMX Convention Center sa Angeles City, Pampanga.

Nilalayon nito na palakasin ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ng DSWD.

Sa nasabing aktibidad, makikipagpulong si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa may 650 local chief executives at mga kinatawan ng iba’t ibang local government units (LGUs).

Ang mga local chief executive mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay mula sa mga piling LGU na nagpapatupad ng Kalahi-CIDSS National Community Driven Development Program-Additional Financing (NCDDP-AF), at ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, layon din ng National Consultative Meeting na magbigay ng lugar para sa isang interactive na pakikipag-ugnayan sa mga nagpapatupad na LGU.

Inaasahan ding dadalo sa consultative meeting ang ilang ahensiya ng pamahalaan, at ilang non-government organization. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us