Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na nagsasagawa na ng sarili nitong imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay kay DJ Jhonny Walker o Juan Jumalon sa totoong buhay.
Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, maagang natanggap ng NBI ang kaso at agad nagtrabaho para makakuha ng lead.
Dagdag pa ni Clavano, nakikipag-ugnayan narin ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security para sa information sharing.
Kasabay nito ay mariing kinondena ng DOJ ang nangyaring pagpatay kay Jumalon, at sinabing walang puwang sa malayang lipunan ang ganitong klaseng pamamaslang. | ulat ni Lorenz Tanjoco