Sinabi ni Atty. Connie Del Castillo, Comelec Officer sa lungsod ng Legazpi, na nagsimula ng magbayad ang komisyon sa mga gurong nagsilbi sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections Sa SM City Legazpi kahapon hanggang bukas, araw ng Miyerkules.
Mahigit sa isang libo at apat na raang mga guro, ang nagsilbi sa katatapos na Barangay ata Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa lungsod. Sabi ni Del Castillo, ang Chairman ng Electoral Board sampung libong piso ang kanyang honorarium, at siyam na libo sa mga miyembro ng board. Babawasan ito ng tax. Diin ng opisyal, alinsunod sa batas dapat matanggap ng mga ito ang kanilang bayad ng hindi lalagpas sa Nobyembre 14 ngayong taon.
Nagpaalala din ang opisyal, sa lahat na tumakbo sa nagdaang eleksiyon, nanalo man o hindi, dapat magsumite ng kanilang Statement of Assets and Expenditures o SOCE hanggang sa Nobyembre 29, 2023. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay