Personal na pinuntahan ni National Historical Commission of the Philippines, Chairman Dr. Emmanuel Franco Clairo PhD, ang libingan ni Sheikh Karimul Makhdu, upang pasinayaan ang historical marker at maideklara bilang isang National Historical Shrine, na matatagpuan sa bayan ng Sibutu.
Si Shiekh Karimul Makhdum, ay isa sa Arab Missionaries, na nagdala ng relihiyong Islam sa lalawigan Tawi-Tawi, noong 1380, at siya ang nagpatayo ng kauna-unahang Mosque sa Pilipinas.
Samantala, pinangasiwaan naman ni DBM Undersecretary Marguax Salcedo, ang distributions ng school supplies, para sa mga batang mag-aaral ng bayan ng Sibuto.
Dumalo rin sa nasabing programa, sina NHCP Deputy Executive Director Alvin R. Alcid, Mayor Nurfitra Ahaja, Vice Gov. Al-Syed A. Sali, Vice Mayor Al-Sefa Pajiji at ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Tawi-Tawi. | ulat ni Sharon Jamasali | RP1 Tawi-Tawi
Photos: of Hon. VIce Gov. AL-Syed A. Sali