Pagkakaibigan ng Batac at Cagayan de Oro City, naging pormal na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging opisyal na ang pakikipagkaibigan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Batac at lungsod ng Cagayan De Oro matapos nilagdaan ng local chief executives ng bawat lungsod ang memorandum of agreement na nakapalooban ng kanilang sisterhood cooperation.

Sa isinagawang seremonya, ibinida ni Batac City Sang. Panlungsod Secretary Gladys Lagura ang bansag sa kanilang lungsod na “Home of Great Leaders” na kung saan, tatlong presidente na ang nagmula sa nasabing lungsod.

Kabilang sa inaasahang sektor na pagtutulungan ng dalawang lugar ay ang pagpapayaman ng kultura, edukasyon, ekonomiya at mga polisiya na may kinalaman sa Disaster risk reduction management dahil prone ang mga nasabing lugar na tamaan ng mga kalamidad.

Tiniyak naman ni Batac City Sang. Panlungsod member Bismark Angelo Quidang na gagawin ng LGU ang lahat ng kanilang makakaya upang suklian ang mga natutunan ng mga ito nang sila ay nagbench marking sa nasabing lungsod. | via Jude Pitpitan | RP1 Laoag

Photos: LGU Cagayan De Oro City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us