Magpapatuloy ang pamahalaaan sa pagtulong sa ‘vulnerable sector’.
Ito ang tiniyak ng National Economic and Development Authority matapos na bumagal sa 4.9% ang inflation rate ngayong buwan mula sa nakalipas na 6.1%.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, hindi magpapabaya ang pamahalan at patuloy na tututukan ang presyo ng mga bilihin, partikular na ng pangunahing pagkain, transportasyon, enerhiya at iba pa.
Sa gitna na rin ito ng mga hamon pang-ekonomiya kasama na ang El Niño phenomenon na hanggang susunod na taon pa tatagal.
Paliwanag ni Balisacan, mayroon ang Department of Social Welfare and Development na Food Stamp Program.
Maliban dito, ang Economic Development Group ay nagrekomenda na rin ng pagpapalawig ng pinababang tariff rates sa “Most Favored Nation” sa illaim ng EO No. 10 (s. 2022) hanggang katapusan ng 2024.
Pagdidiin ni Balisadan, sinisikap ng pamahalaan na mapaganda ang food supply chain para makatulong sa mga magsasaka sa pagtataas ng kanilang mga ani sa pamamagitan ng pamumuhunan sa irrigation, flood control, supply chain logistics, at climate change adaptation. | ulat ni AJ Ignacio