DOTr, tiniyak kay Japanese PM Kishida na may kakayahan ang Pilipinas na makapagsanay ng mga railway engineer at operator para sa railway projects ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na may kakayahan ang Philippine Railways Institute (PRI) na makapagsanay ng mga kinakailangang tauhan para sa mga railway project ng Pilipinas.

Sa isang pulong balitaan kasama si Prime Minister Kishida, inihayag ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, na sa kasalukuyan ang PRI ay nagsasanay na ng mga railway engineer, technicians, at operators para sa MRT-7 na inaasahang mag-o-operate sa 2025.

Binigyang diin din ni Chavez ang tulong ng pamahalaan ng Japan sa pagsasanay sa mga professor, instructor, at personnel sa PRI. Aniya, karamihan sa mga guro sa PRI ay may specialize training sa Japan na malaking ambag sa railway sector ng bansa.

Nagpasalamat din ang opisyal sa pamahalaan ng Japan sa donasyon nitong state-of-the-art train simulator room sa PRI, na makatutulong na mapabuti ang kakayahan ng mga railway worker upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng operasyon ng mga tren sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas at Japan ay magkatuwang sa nine big-ticket transport projects kabilang na rito ang LRT Line 1 Cavite Extension, LRT Line 2 East Extension, MRT Line 3 Rehabilitation and Maintenance, North-South Commuter Rail System, at Metro Manila Subway Project. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us