US Embassy, pinuri ang mabilis na aksyon ng pamahalaan sa pagresolba sa pagpatay sa broadcaster

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng United States Embassy sa Manila ang mabilis na aksyon ng pamahalaan para maresolba ang pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon.

Sa isang statement, tinukoy ng embahada ang mga hakbang na ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., at Philippine Law Enforcement Agencies upang mapanagot sa hustisya ang mga salarin.

Giit ng Embahada, ang malayang pamamahayag ay “fundamental” sa isang malayang lipunan, at ang pag-atake sa mga mamamahayag ay banta sa kalayaan.

Kasabay nito, nagpahayag ng pakikidalamhati ang Embahada sa mga mahal sa buhay ni Jumalon.

Si Jumalon, na broadcaster ng 94.7 Calamba Golf FM ay binaril at napatay ng gunman habang nagpoprograma ng live sa radio booth sa loob ng kanyang bahay sa Calamba, Misamis Occidental nitong Linggo ng umaga. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us