Pagbaba sa 4.9% ng inflation, welcome sa Department of Finance

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Department of Finance (DOF) ang naitalang mababang inflation rate na 4.9 percent sa nakalipas na buwan ng Oktubre.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, mas mababa pa ito sa naunang forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.1 to 5.9 percent.

Dahil sa 4.9% na October inflation tinatayang magiging 6.4% ang year-to-date inflation rate ngayong taon, mas malapit sa pagtaya ng Development Budget Coordination Committee (DBCC)na nasa 5 to 6 percent.

Ayon kay Diokno, ang positive development at resulta ng “decisive and timely” action ng gobyerno upang makontrol ang inflation.

Aniya, testament ito ng ginagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang purchasing power ng bawat pamilyang Pilipino.

Ang downtrend ng inflation ay dala ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages (7.0 percent) at restaurants and accommodation services (6.3 percent). | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us