Pitong medalya, iniuwi ng Sarrat National High School mula sa Thailand Math Olympiad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-uwi ang mga estudyante ng Sarrat National High School ng Sarrat, Ilocos Norte ng pitong medalya mula sa Thailand International Mathematical Olympiad – Heat Round sa lumabas na resulta nitong Nobyembre 2023.

Ito ay apat na Gold medal, dalawang Silver medal at isang Bronze medal.

Nakilala ang mga estudyanteng nakakuha ng medalya na sina Brian Jansen Vallejo, Top 1, Allen Iver Barroga, Natalie Margaret Balisacan, parehong secondary 2 at si Zyrene Angelica Dulluog ng secondary 3 category.

Silver medalist sina Ma. Cassandra Duque at Jushiem Barroga ng senior secondary Grade 11 habang Bronze medalist si Mar Lean Gold Malvar ng senior secondary Grade 10.

Ayon sa SNHS, mula 274 na paaralan sa Pilipinas ay pang-20 puwesto ito sa mga performing school, base sa medal tally sa bansa.

Ipinagmamalaki ng SNHS ang nakuha nilang puwesto kahit pitong estudyante lamang ang lumalaban.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us