Higit 300 college graduates,binigyan ng trabaho ng DSWD sa Region 9

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit 300 college graduates, binigyan ng trabaho ng DSWD sa Region 9

May 331 na college graduates mula sa Zamboanga Peninsula Polytechnic State University ang binigyan ng pansamantalang trabaho ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD, itinalaga ang mga ito sa iba’t ibang tanggapan ng DSWD Region 9 at iba pang ahensya ng gobyerno sa Zamboanga City.

Ang pagtalaga ng mga graduates students ay bahagi ng Cash-for-Work Program sa ilalim ng DSWD KALAHI-CIDSS.

Sila ay nabibilang sa mahihirap at vulnerable communities na inendorso ng Zamboanga Peninsula Polytechnic State University .

Ayon sa DSWD, tatakbo ang programa sa loob ng 90 araw para sa mga benepisyaryo.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us