Panibagong rigodon sa liderato ng Kamara, ipinatupad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng rigodon ngayon sa liderato ng Kamara.

Ito’y isang araw matapos pagtibayin ang House Resolution 1414 na naghahayag sa pagtinding ng House of Representatives na itaguyod ang integridad at dangal ng Kamara at pagsuporta sa liderato ni Speaker Martin Romualdez.

Sa sesyon ngayong hapon, nagmosyon si Deputy Majority Leader at Cagayan 1st district Rep. Ramon Nolasco Jr. na italaga si Isabela 1st district Rep. Antonio ‘Tonypet’ Albano bilang deputy speaker kapalit ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Matapos nito ay nagmosyon muli si Nolasco para naman italaga si Lanao del Sur 2nd district Rep. Yasser Balindong bilang deputy speaker kapalit naman ni Davao City 3rd district Rep. Isidro Ungab.

Sa hiwalay na pahayag ni House Majority Leader Mannix Dalipe, sinabi nito ang hakbang na ito ng Kamara ay bunsod na sa siyam na deputy speaker, tanging sina Arroyo at Ungab lang ang hindi lumagda sa HR 1414 na aniya’y isang mahalagang resolusyon na itinulak ng buong liderato.

“The House leadership, in its collective capacity and after careful deliberation, has made the decision to relieve Deputy Speakers Gloria Macapagal-Arroyo and Isidro Ungab of their leadership positions. This decision stems from the fact that out of the nine Deputy Speakers, only Deputy Speakers Macapagal-Arroyo and Ungab chose not to sign a pivotal House resolution sponsored by the entire leadership. This particular resolution was of paramount importance, as it manifested the collective intention of the House leadership to rise in unison in defense of the institution,” sabi ni Dalipe.

Ayon pa sa Majority leader, bagamat iginagalang ng liderato ang indibidwal na opinyon at desisyon ng bawat miyembro nito, ang leadership position ay may kaakibat na responsibilidad na makiisa sa kolektibong desisyon ng liderato lalo na sa mga usaping mahalaga para sa institusyon.

“One of these expectations is to be aligned with the collective decisions of the leadership, especially on matters of significant importance to the institution. By choosing not to sign the resolution, Deputy Speakers Macapagal-Arroyo and Ungab have demonstrated that their perspectives differ from the collective stance of the leadership.” Dagdag ng Majority leader

Dagdag pa nito na bagama’t kinikilala at nirerespeto ang kontribusyon ng dalawang beteranong mambabatas, naniniwala aniya ang liderato na para sa interes ng Kapulungan na magkaroon ng lider na susuporta sa kolektibong posisyon ng House leadership.

“While their contributions to the House are appreciated and respected, the leadership believes that it is in the best interest of the House to have leaders who fully support and uphold the collective decisions and directions set forth by the leadership. The House as an institution will continue to work diligently on behalf of the Filipino people, and we are committed to ensuring that our leadership reflects the unity and direction needed to effectively serve our constituents.” Pagtatapos ni Dalipe.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us