Inirerekomenda ng lokal na pamahalaan ng Socorro, Surigao del Norte na panahon nang buwagin ang komunidad na itinayo ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa Sitio Kapihan.
Kabilang ito sa naging presentasyon ni Edelito Sangco ng Task Force Kapihan sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa mga nais mangyari ng LGU kasunod ng naging isyu sa SBSI.
Hiniling rin nito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tuluyan nang kanselahin ang iginawad na Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) sa SBSI.
Iginiit ni Sangcco na malinaw ang mga paglabag ng grupo sa kasunduan kaya dapat na nailang lisanin ang lugar.
Babala pa nito, kung mananatili sa Sitio Kapihan ang SBSI ay maaaring masira ang watershed sa lugar at maaapektuhan ang turismo dahil sa takot sa umano’y kulto.
Sa ngayon ay nasa tatlong pamilya pa lang ang napag-alamang bumaba mula sa Sitio Kapihan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion