MMDA at PCG, lumagda sa kasunduan para mas mapaganda ang serbisyo ng Pasig River Ferry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na lumagda sa kasunduan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Coast Guard (PCG) para mas mapabuti ang serbisyo ng Pasig River Ferry.

Nilagdaan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at ilang opisyal ng dalawang ahensya ang Memorandum of Agreement ngayong araw.

Sa ilalim ng kasunduan ang PCG na ang mangunguna sa pagpapatakbo ng mga bangka at mamamahala sa seguridad sa Pasig Ferry.

Habang ang MMDA naman ang tutok sa administratibo na mga bagay sa operasyon ng Pasig Ferry.

Palalakasin din ang Pasig Ferry sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at sakuna. Ang mga bangka at iba pang kagamitan nito ay magagamit para sa mga marine disaster-related activities.

Magkakaroon din ng Joint Water Search and Rescue Training para sa mas epektibong disaster response. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us