Momentum sa PSE, napanatili kasunod ng naitalang 4.9 percent na October inflation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napanatili ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang pagtaas ng momentum kasunod ng naitalang 4.9 percent na inflation rate.

Tatlumpung kumpanya sa PSE ang nakakuha ng 53.29 point o .88 percent, kung saan nagsara ang stock market sa 6, 131.32.

Sinabi ni China Bank Capital managing director Juan Paolo Colet, nagpapatuloy ang pagbawi ng stock index dahil sa mababang inflation.

Aniya, umaasa rin ang ilang investors na hindi na magtataas ang Bangko Sentral ng Pilipinas kasunod ng naitalang mababang inflation.

Gayunpaman, ang daily value turnover ay bahagyang mababa dahil marami sa market participants ay nanatili sa sidelines hanggang hindi inilalabas ang third quarter gross domestic product.

Samantala, ang nagsara naman ang palitan ng piso laban sa dolyar sa 56.11 kumpara sa 55.91 kahapon.

Inaasahan naman na mananatili ang P56 level hanggang sa BSP Monetary Board policy rate meeting sa Nov. 16.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us