Tulad ng nakagawian tuwing papalapit na ang banal na buwan ng pag-aayuno, muling namahagi ng sako-sakong bigas ang pamunuan ng barangay Chinese Pier sa bayan ng Jolo, Sulu.
Ayon kay Punong Barangay Mernesa Ladja ng barangay Chinese Pier, nasa 900 pamilya sa naturang barangay ang nabiyayaan ng tig-isang sakong bigas na tumitimbang ng 25 kilo.
Sa kabuuang bilang, 500 sakong bigas ani Ladja ang mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sulu at 50 sako naman ang sa Lokal na Pamahalaan ng Jolo.
Habang, ang 350 karagdagang sako ay mula na sa mag-asawang Punong Barangay Mernesa at Administrator Rudimar Ladja.
Kabilang aniya sa mga nakatanggap ng naturang suplay ang mga guro sa dalawang pampublikong mababang paaralan sa naturang barangay.
Samantala, may kalakip namang tig-P1,000 tulong pinansiyal ang nasa 35 solo parents mula kay Administrator Ladja. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo