Kaalaman at aksyon sa Climate Change, dapat na palaging nakapaloob sa national policy – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na ipaloob ang usapin ng Climate Change sa bawat national policy, mga programa, at inisyatibo na ipatutupad ng pamahalaan.

Sa ganitong paraan, masisiguro ng gobyerno ang pagigigng matatag ng mga komunidad, anomang natural calamity ang tumama sa Pilipinas.

Sa ika-10 taon ng komemorasyon ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda, sinabi ng Pangulo na palalalain lamang ng Climate Change ang impact o iiwang pinsala ng anomang natural disaster na tatama sa bansa.

Makakaasa aniya ang publiko na ang pamahalaan ay nagsusumikap na upang makapag-adapt, at upang mapigilan nang maulit ang mga ganitong trahedya kung saan libo-libong buhay ang nawawala.

“We continue to build disaster-resilient evacuation centers and emergency operations centers. We are also putting in place more centralized and efficient early warning systems, incident command systems, and disaster response strategies. The development and deployment of new technologies, such as GeoRiskPH and PlanSmart, along with the continuous conduct of information and education campaigns, simulation drills are also aimed to save lives.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us