Aabot sa 621 residente ang nabigyan ng puhunan para sa kanilang mga negosyo sa Quezon City.
Sa pamamagitan ng Pangkabuhayang QC Program ng Quezon City Government, natulungan ang mga residente para magkaroon ng pagkakakitaan partikular na ang mga walang trabaho.
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo, habang hinikayat din niya ang iba pa na iparehistro ang kanilang mga negosyo sa business permits and licensing department.
Layon nitong mabigyang prayoridad sa mga programa at serbisyo ang mga residente ng Quezon City.
Nagpapatuloy din ang pag-alalay ng lokal na pamahalaan sa mga entrepreneur sa tulong ng pagsasanay upang mas maging maayos ang pamamahala sa kanilang negosyo.
Katuwang ng lungsod sa pagbibigay serbisyo ang Department of Trade and Industry, Pangkabuhayang QC, Go Negosyo, GCash, Globe, Meralco at iba. | ulat ni Rey Ferrer