Namahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa 2,007 mga magsasaka sa Ayala District ng lungsod kamakailan.
Nakatanggap ng P2,000 ang bawat magsasaka mula sa Assistance In Crisis Situation (AICS) Program ng lokal na pamahalaan kung saan layong matulungan ang mga itong makabangon muli matapos masira ang kanilang mga pananim sa naranasang matinding pagbaha sa lungsod nitong mga nagdaang buwan at taon.
Ayon kay Zamboanga City Mayor John Dalipe, ang nasabing ayuda ay bahagi ng recovery and rehabilitation program ng City Agriculturist Office.
Pinamunuan ng naturang tanggapan at ng City Social Welfare and Development Office ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa agricultural districts ng lungsod. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga