Ang Kadiwa on Wheels na bumibili ng ani ng magsasaka at nagbebenta ng produktong agrikultural sa mababang halaga ay nagpunta kahapon sa Municipal Amphi Theater upang magbenta ng bigas, asukal, mantika, karne ng baboy, manok, mga sariwang isda, pinatuyong isda, mga de-latang produkto, prutas, gulay, rootcrops, itlog at iba pang pangunahing bilihin sa murang halaga.
Ayon kay Lynn Asero Pareñas, hepe ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA Caraga, nabigyang katuparan ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan nito sa LGU sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office
Binigyan rin ng oportunidad sa Kadiwa on Wheels na makapagbenta ang mga Farmer’s Cooperative and Association tulad ng Sumilihon Taguibo Farmers Association Incorporated (SUTAFA), Cebu People’s MultiPurpose Cooperative (CPMPC), Sto. Niño MultiPurpose Cooperative (SNMPC), at Batistis Vegetable Dealer.
Nagsagawa rin ang DA-Caraga ng market matching. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan