Binigyang diin ng Office of Civil Defense ang kahalagahan ng walang patid na komunikasyon sa panahon ng sakuna.
Kaugnay nito, nagsagawa ng isang Communication Exercise ang OCD katuwang ang Department of Information and Communications Technology, kasunod ng 4th quarter nationwide simultaneous earthquake drill sa Camp Aguinaldo.
Layunin nito na agad makatugon sa iba’t-ibang emergency na pwedeng idulot ng lindol.
Dito’y gumamit sila ng mobile operations vehicle for emergency, na may mga monitor, radio equipment, tablet, computer at satellite Communication na sumasagap ng real time situation sa iba’t ibang lugar.
Dahil sa Casiguran, Aurora ang sentro ng NSED, sinibukan nila ang komunikasyon sa Aurora at inalam ang nangyari doon.
Samantala, rumesponde rin sa Camp Aguinaldo kanina ang PNP, AFP at PCG.
Ayon kay OCD Spokesperson Director Edgard Posadas, mahalaga ang quarterly earthquake drill dahil sinasanay nito ang publiko na maging handa sa pagtama ng pinangangambahang “the Big one”. | ulat ni Leo Sarne