Bilang ng mga namamalimos sa lansangan sa Metro Manila, nababawasan na dahil sa ‘Oplan Pag-abot’ ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikita na ng Department of Social Welfare and Development na nagbubunga na ang ikinakasa nitong Oplan Pag-abot sa mga lansangan sa Metro Manila.

Sa DSWD Forum, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na sa kanilang monitoring ay nabawasan na ang mga namamalimos ngayon sa NCR dahil sila ay naaabot na sa mga reach out operation ng ahensya.

Sa tala ng DSWD, as of Nov. 8 ay umabot na sa 1,245 ang mga ‘individual in street situation’ na naabot na ng kagawaran.

Mula sa bilang na ito, 751 ang naalis na aniya sa lansangan kasama ang nasa halos 100 miyembro ng IPs na nabigyan ng iba’t ibang tulong kabilang ang Balik Probinsya at Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Sa kabila nito, hindi umano nagpapakampante ang DSWD at mas paiigtingin pa ang mga reach-out operation nito habang papalapit ang kapaskuhan.

Kasunod nito, ipinunto ng DSWD ang kahalagahan ng kolaborasyon nito sa mga lokal na pamahalaan gaya ng Metro Manila Council at ng iba pang ahensya tulad ng CHR para lubos na mapalawak ang sakop at mga matulungan ng Oplan Pag-abot. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us