American national, huli ng PDEA sa Cebu dahil sa pagtatanim ng marijuana

Facebook
Twitter
LinkedIn

Huli ang isang American national matapos makuha ang mga tanim na marijuana sa tinutuluyan nitong condominium sa Juana Osmeña Extension, Brgy. Kamputhaw lungsod ng Cebu.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cebu Provincial Office at Cebu City Police Station 2 ang tinutuluyan ng subject na si William Lee Matteson, 75 taong gulang, residente ng Nebraska, USA .

Ayon sa PDEA nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagtatanim ng marijuana ng subject sa kanyang condominium.

Nang sinalakay ng mga awtoridad nakita mismo ang mga tanim na marijuana ng subject, na tinatayang nagkakahalaga ng P1,600, plastic na naglalaman ng marijuana seeds at mga gamit sa pagtatanim ng marijuana.

Base pa sa nakuhang impormasyon ng PDEA Cebu na maliban sa kanyang sariling konsumo, ibinebenta rin umano ito ng subject sa kanyang mga katulad ring dayuhan na nasa bansa ngayon.

Napag-alaman rin na noon pang 2007 naninirahan sa Cebu at isa nang pensyonado ang subject.

Kasong paglabag sa section 16 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa subject na si Matteson. | ulat ni Angelie Tajapal | RP Cebu

📷: PDEA VII

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us