Bulkang Taal, nagbuga ng pinakamataas na lebel ng asupre ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng babala ang Phivolcs sa mga residenteng malapit sa Bulkang Taal sa Batangas matapos magbuga ito ng pinakamataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide o asupre na naitala ngayong araw.

Ayon sa Phivolcs, mahigit 11,000 tonelada ng volcanic sulfur dioxide o gas emission mula sa main crater ng Taal ang naitala ngayong araw.

Ito na umano ang pinakamataas na naitalang volcanic sulfur dioxide emission mula sa Taal ngayong taon.

Gayunman, wala umanong volcanic smog o vog sa Taal Caldera na na-obserbahan ng mga visual monitor sa buong araw.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal at nangangahulugan na ito ay nasa abnormal pa rin na kondisyon at may banta pa rin ng aktibidad ng pagsabog.

Kaugnay nito ay mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa Taal Volcano Island, ang Taal Permanent Danger Zone o PDZ, lalo sa paligid ng Main Crater at Daang Kastila fissure. | ulat ni Diane Lear

📷: Phivolcs

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us