Bilang bahagi ng PagbaBAGo Campaign, nag-organisa ang Office of the Vice President Dagupan Satellite Office ng tree planting activities sa Dagupan at Pangasinan.
Umabot sa mahigit 7,000 na mga seedlings ang naitanim sa mga piling paaralan ng nasabing mga lalawigan.
Kabilang sa mga nakilhok sa naturang aktibidad ang mga guro ng mga paraalan at mga kawani ng ilang pribadong kumpanya.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, ang naturang aktibidad ay simbolo na ang bawat hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan ay hakbang tungo sa isang mas maganda at luntiang kinabukasan para sa lahat.
Ang PagbaBAGo Campaign Project ng OVP ay layong magtanim ng isang milyong puno sa buong bansa pagdating ng 2028. | ulat ni Diane Lear
📷: OVP