Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang top most wanted person ng Police Regional Office (PRO) 13.
Kinilala ni CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat ang akusado na si Joel Camansi Jino-o, 50, na wanted sa kasong statutory rape.
Inaresto si Jino-o sa Abilan, Buenavista, Agusan Del Norte kamakalawa, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marigel S. Dagani-Hugo ng Branch 1, Regional Trial Court, Butuan City Agusan del Norte nitong Oktubre 26, 2023, na walang piyansang inirekomenda.
Ang suspek ay dinala sa CIDG Regional Field Unit (RFU) 13 para sa dokumentasyon at disposisyon bago ibalik ang warrant sa korte.
Tiniyak naman ni BGen. Caramat na puspusan nilang ipatutupad ang pagtugis sa mga wanted na kriminal para mapanagot sa kanilang nagawa. | ulat ni Leo Sarne
📷Courtesy of CIDG