Sa pag-arangkada ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata, isasagawa sa pangunguna ng Muntinlupa City ang Children’s Month sa National Capital Region sa November 18 bilang host LGU ngayong taon.
At bilang host LGU, bubuksan ng Muntinlupa City ang pintuan nito sa higit 100 kabataan mula sa 13 lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region.
Sinimulan ang Children’s Month sa pamamagitan ng “Boys and Girls Week,” kung saan gumanap bilang little city officials ang mga elected students mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.
Maliban sa Children’s Congress, magsasagawa din ang lungsod ng Council for the Protection of Children, pagbibigay ng parangal para sa Most Child-Friendly Barangay, Movie for a Cause, at ang pangunahing aktibidad na State of the Children’s Address kung saan ipapahayag ng Punong-Lungsod ang mga programa at serbisyong ibinigay para sa kabataan ng Muntinlupa.| ulat ni EJ Lazaro